COOL OFF.
Okay, hanggang ngayon natatawa/ Naiintriga parin ako dun.
Ganito kasi yung, may isang facebook page na sinusubaybayan ko talaga, may sense kasi yung mga nakapost dun, okay back to the main topic.. it’s just that hindi ko alam bakit ganun yung sagot nila, ito kasi yung tanong, “BAKIT KAILANGAN NG COOL-OFF?” tapos may mga sumagot, masyado akong naintriga/natawa dun sa dalawang sagot, and i quote Space to think. & because they are weak enough to let go of the person they cant take care of , competely. and then there goes my curiosity, alam ko, hindi lahat ng relasyon, PERFECT Hindi lahat laging masaya, pero come to think of it, yung unang sagot ay, Space to think, to think of what? Siguro iisipin nya na mali na niligawan nya yung babae/ na nagpaligaw sya kay lalake, na napasagot nya si babae/ na sinagot nya si lalake. yun ba? o sadyang hindi na nila mahal ang isa’t-isa? BAKA MALI LANG AKO. wala naman kasi akong experience sa ganito. Next is yung ‘Because they are weak enough to let go of the person they cant take care of’ eto yun eh, lagi nalang ganito yung drama, kesyo mahal mo pa, kesyo kailangan mo sya. Hay naku, yan yung dahilan kaya maraming taong nasasaktan, maraming hindi lumiligaya kasi hindi nila mapakawalan ang isa’t-isa dahil sa:
1. Sasabihin ng ibang tao.
2. Hindi nila matataguyod ang sarili nila ng magisa.
3. One more lonely girl/guy ang peg.
and the list continues.
Pag laging ganyan, IBREAK NALANG. Pag laging ganyan, Maraming masasaktan. Pag laging ganyan, WALANG LILIGAYA. Bakit pa kailangan ng Cool-off if pwede namang break nalang deretcho, isipin mo, nagcool-off kayo, counted as break na yun diba? parang pinalaya nyo ang sarili nyo ng one week, two weeks, pag okay na, kayo na ulit? ano yun laro?
Pag sinabi ng isa “Bee, okay na ako. tayo na ulit.” Masaya na? Ano yun PBBTeens? Okay agad?
Pag sinabi, “Bee, i need space.” malaki ba ang tulong?
bakit pa kailangan patagalin if pwede naman paguspan lahat? kaagad? wouldn’t that make the relationship stronger?
Ewan ko, tingin ko ito, pananaw ko sa ngayon. Maaring tama ako para sa iba, maaring sobrang mali ako. Opinion lag to ng isang babaeng hindi pa malinaw ang lahat sa kanya.







